traffic
By

‘Monster traffic’ asahan sa Lunes – MMDA

Sharing is caring!

Sa darating na Lunes, Abril 16, nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang Ortigas Central Business District dahil sa inaasahang mabigat na traffic kasabay ng isasagawang convoy dry run.

Ang dry run ay kaugnay sa isasagawang 51st Annual Meeting ng Asian Development Bank sa unang linggo ng Mayo.

Sa inilabas na abiso ng MMDA, bagama’t walang isasarang kalsada mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, asahan nang maaapektuhan ang daloy ng mga sasakyan.

Naglatag ng apat na scenario para sa convoy ng mga dadalong delegado mula ADB Headquarters – EDSA Shangri-La (Bank Drive-Saint Francis Street); EDSA Shangri-La-NAIA Terminal 1 (EDSA Shangri-La – St. Francis Street, Shaw Boulevard, EDSA, South Luzon Expressway, Skyway, NAIA Expressway, Imelda Avenue); NAIA Terminal 1 – Joy-Nostalg Hotel Imelda Avenue-NAIA Road, NAIA Expressway, Skyway, SLEX, EDSA, Guadix, ABD Avenue; at ADB Main Driveway (Guadix Drive, EDSA-ADB Drive, ay gagawing one way at magsasagawa ng Stop & Go scheme sa tuwing may darating na convoy).

Bunga nito, maaring magkaroon ng chokepoints sa Magallanes Interchange, Ayala Underpass (Northbound and Southbound), Guadalupe MRT Northbound, Shaw Blvd corner EDSA, Shaw Blvd Service Road Northbound Shaw Underpass ( Northbound and Southbound), Guadix Drive, ADB Avenue, ADB HQ, Bank Drive corner Julia Vargas, at St Francis corner Julia Vargas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?