40

By

‘Monster traffic’ asahan sa Huwebes – MMDA

Sharing is caring!

Pinayuhan na ng MMDA ang mga motorista at pasahero sa inaasahang matinding traffic bukas dahil sa muling pagpasok ng mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor.

Sinabi ni Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, ang balik-opisina ay maaring sabayan pa ng mga nagbakasyon sa mga probinsiya dahil sa long weekend.

Samantalang suspendido pa rin ang pasok sa mga paaralan sa Metro Manila hanggang sa Biyernes.

Kaugnay pa nito, ipinaalala din ni Pialago na hanggang ngayon ay may ASEAN Lane pa rin sa northbound portion ng EDSA dahil marami sa mga delegado ang babalik sa Clark, Pampanga. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?