92
traffic
Dec 21, 2017 @ 18:56
By

‘Monster holiday traffic’ asahan sa Biyernes

Ibubuhos ng Metropolitan Manila Development Authority ang buong puwersa ng kanilang traffic management force para sa inaasahang matinding trapiko ngayon araw.

Ito ay dahil sa inaasahang sabay-sabay na Christmas parties at shopping.

Bukod pa dito ang pag uwi ng marami sa ating mga kababayan sa kani-kanilang probinsiya.

Base sa datos, noong December 22, 2016, umabot sa 357, 529 sasakyan ang bumagtas sa EDSA.

Ngayon Disyembre, tumaas na 12.63 porsiyento ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA base sa naitalang pinakamataas na 402,689 na bilang ng mga sasakyan.

Alas 10 kagabi, nagdagdag na ang MMDA ng 100 traffic enforcers na ikinalat sa kahabaan ng EDSA.

Mas mahigpit na rin ang ginawang pagbabantay sa Mabuhay Lanes para walang anumang uri ng sagabal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?