34

Oct 6, 2021 @ 17:06
By

Monsour del Rosario target maging senador

Naghain si actor at Makati Rep. Monsour del Rosario ng certificate of candidacy sa pagtakbong senador sa 2022 elections.

Kabilang siya sa mga senatoriable na kinokonsidera ng tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.

Miyembro si Del Rosario ng Demokratikong Reporma Party kung saan chairman si Lacson.

Ani Del Rosario, taglay niya ang “KKK” o Kakayahan, Katapatan, Katapangan, na campaign motto ng Lacson-Sotto tandem. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?