61
pdp
By

Monsour del Rosario, Dax Cua, nadagdag sa senatoriables ng PDP

Sharing is caring!

Ikinampanya ni Speaker Pantaleon Alvarez sa mga bagong-halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Davao del Norte ang mga kandidato sa pagka-senador ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) para sa darating na midterm elections.

“It is very important for us to choose the candidates whom we can count on to support the programs of President Duterte and enable him to realize the changes he wants to bring to our country,” sabi ni Alvarez.

Hinimok ng Speaker ang mga lokal na opisyal na suportahan ang kandidatura nina Makati City Rep. Monsour del Rosario, Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, Maguindanao Rep. Sajid Mangudadatu at Davao City Rep Karlo Nograles.

Binanggit din nito sina Special Assistant to the President Bong Go, Presidential Spokesperson Harry Roque, at Presidential Adviser Francis Tolentino.

Ayon kay Alvarez, nasa 24 na pangalan ang ikinukunsidera para sa senatorial lineup ng PDP.

Pero sabi nito, si Pangulong Rodrigo Duterte ang may final say kung sino-sino ang magiging senatorial candidates ng ruling party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?