27

Mono Vampire, nakapuwersa ng do-or-die sa Alab Pilipinas

Sharing is caring!

Nag-iwan ng masayang alaala ang Mono Vampire ng Thailand sa kanilang home court matapos walisin ang San Miguel Alab Pilipinas, 88-83, sa Game 4 ng 2018 ASEAN Basketball League (ABL) finals sa Stadium 29 sa Bangkok.

Itinabla ng Mono Vampire ang serye sa 2-2 para mahatak ang Alab sa do-or-die match sa Game 5 sa Miyerkoles na sisiklab sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex.

Nagtala ng 20 points, 13 rebounds, at 5 blocks ang 7-foot-5 na higante ng Mono Vampire na si Samuel Deguara.

Malaki rin ang naiambag ng Filipino-American guard na si Jason Brickman sa panig ng Thais, sa isinahog na 13 points, 10 assists, at 4 steals.

Pero si Filipino guard Paul Zamar ang naglusaw sa Alab sa ipinukol na tres, para gawing two-possession game, 88-83, may 18.4 segundo na lang sa orasan.

Nagmintis ang 3-pointer ni Justin Brownlee sa sumunod na posesyon ng Alab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?