122
ABANTE mayon volcano equipments stolen
Jan 11, 2018 @ 10:11
By

Monitoring equipments ng PHILVOCS sa Mt. Mayon, ninakaw

Nakakaranas ngayon ng problema sa pagre-record ng aktibidades ng Mayon Volcano ang mga Phivolcs experts matapos nakawin ang ilang monitoring equiments na ginagamit ng ahensyia sa kanilang observatory station sa Legaspi City, Albay.

Ayon kay resident Volcanologist Ed Laguerta ang ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek ay ang solar panel at dalawang heavy duty maintenance-free deep cycle batteries.

Ang nasabing gadgets ay nakalagay sa kanilang Observatory Station sa Barangay Lidong sa Sto. Domingo, Albay.

Noong Linggo lamang umano nalaman ng Phivolcs na ninakaw ang naturang equipment nang magsagawa nang inspeksyon ang kanilang mga empleyado dahil na rin sa nakakaranas ng problema ang kanilang ginagawang monitoring sa bulkan.

“With the loss of the monitoring gadgets the whole system does not operate because there are accessories that are affected and have short circuited. The charge controller and minor accessories were burned,”paliwanag ni Laguerta.

Dahil wala umano ang nasabing equipment ay maging ang kanilang seismic, geochemistry at meteorology instruments ay hindi rin gumagana.

Umapela ang Phivolcs sa kung sino man ang nasa likod ng pagnanakaw ay ibalik na lamang ito lalo at hindi naman nila ito pakikinabangan.

Nangangamba si Laguerta na kung hindi agad maisosoli ang ninakaw na gamit ay malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente lalo at hindi magiging accurate ang kanilang ginagawang monitoring.

Ang Alert Level 1 ay patuloy na nakataas sa Mt Mayon kung saan ipinagbabawal ang paglapit, dahil sa aktibong galaw ng bulkang ay 24 oras umano ang monitoring na ginagawa ng Phivolcs. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?