75

Oct 8, 2017 @ 11:57

‘Money’ Mayweather bawas ng $22-M

Inareglo na ni boxing champion Floyd ‘Money’ Mayweather ang pagkakautang na $22 million sa Internal Revenue Service ng US nitong nakaraang buwan.

Binagsakan ng federal lien ang undefeated boxer nitong April dahil daw sa pagkakautang niya sa back taxes mula pa 2015.

Zero-balance na ang tab sa IRS ni Floyd, nabawasan ang limpak na salaping naglalaro sa $300 million na ibinulsa nang talunin si MMA artist Conor McGregor, ayon sa report ng The Blast.

Hindi daw nabayaran ni Mayweather ang $22M sa taxes mula sa kinita niya sa pakikipagbalugbugan kay welterweight boxing great Manny Pacquiao noong May 2015.

Sa 50-0 record ni Mayweather, pang-48 niya si Pacquiao.

Nakipagsagupa ni Mayweather kay McGregor noong August 26, 2017, pagkatapos ay nag-retiro ang boxer.

Pagkatapos ng payout, binayaran daw ni Mayweather ang kabuuang $22,238, 255 sa IRS. Noong nakaraang buwan ay nag-file ang US government ng motion para i-withdraw ang lien.

Ayon sa ESPN, mas malapit sa $100 million ang kinita ni Mayweather sa McGregor fight, base sa contract details mula sa Nevada State Athletic Commission.

Ayon sa IRS website, ang federal tax lien ay ang legal claim ng gobyerno laban sa pag-aari ng isang tao na hindi nagbayad ng utang sa tax.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?