47
ABANTE court appeals ph
Feb 8, 2018 @ 9:58
By

Money laundering case ni Boratong, lilitisin na

Ipinatutuloy na ng Court of Appeals (CA) ang pag-usig sa shabu tiangge operator na si Amin Imam Boratong at asawa niyang si Memie Boratong na nahaharap sa kasong money laundering.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Carmelita Salandanan Manahan, binaligtad ng Court of Appeals Special Second Division ang resolusyon ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 at Malolos RTC Branch 83 na nagbasura sa mga kasong money laundering laban sa mag-asawa.

Ayon sa CA, nagkamali ang mababang hukuman nang pagbigyan nito ang hiling ng mga Boratong.

Kumbinsido ang appellate court na may sapat na basehan ang panel of prosecutors para suportahan ang “finding of probable cause” laban sa mga akusado para sa krimeng money laundering.

“In these cases, a review of the resolution of the Panel of Prosecutors shows that there is substantial basis to support finding of probable cause against the private respondents for the crime of money laundering.”

“Hence, as the Information was valid on its face and there was no manifest error or arbitrariness on the part of the prosecutors, the public respondents [in two criminal cases] erred when they overturned the finding of probable cause against private respondents,” ang bahagi ng desisyon ng CA.

Ayon sa CA, masyado pang maaga para magdesisyon ang mga mababang korte para ibasura ang kaso gayong hindi pa nakakapagprisinta ng ebidensya ang prosekusyon at panig ng depensa.

Si Imam Boratong ay una nang hinatulan ng Pasig RTC ng habang buhay na pagkabilanggo noong 2009 dahil sa pagmamay-ari at pagmamantine ng shabu tiangge sa Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?