123

Jul 16, 2021 @ 19:14
By

Monarkiya itinatayo ng pamilya Duterte – Bayan Muna

Mukha umanong nais na magtayo ng monarkiya ng mga Duterte at kanilang gagamitin ang eleksyon para mabigyan ng katuwiran ang kanilang panunungkulan.

Sinabi ito ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos sabihin ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Secretary General Anthony del Rosario na ang pag-upo ng dalawang Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay hindi maituturing na political dynasty dahil sila ay inihalal naman ng mga botante.

“Sinusubukan ni Del Rosario na palusutan ang konsepto ng pagbabawal sa dinastiya sa pagsasabi na may eleksyon naman at may kalayaan naman ang mamamayan na pumili, but the Constitution’s prohibition on political dynasties must be read in the context that we have a republican system and a popular election,” sabi ni Gaite.

Sinabi ni Gaite na hindi inaalis ng eleksyon ang posibilidad ng pagkakaroon ng dynastic ruling.

Naniniwala si Gaite na malalabag ang Konstitusyon sa Duterte-Duterte tandem.

“Obviously, this family is willing to throw away our Constitution in the trash just to remain in power. Is this the kind of leadership that we want? Pamumunong walang respeto sa Saligang Batas, pamumunong ganid sa kapangyarihan?” sabi pa ni Gaite.

Nauna nang sinabi ni Del Rosario na hindi tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte na ka-tandem ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?