1,071
topacio
By

Mon Tulfo ulyanin, plastik – Topacio

Sharing is caring!

Sinubukan pa ni lawyer Ferdinand Topacio na hindi na patulan ang patutsada sa kanya ni broadcaster-columnist Ramon Tulfo ngunit hindi na rin nito nagawang pigilan pa ang sarili.

Sa paghingi ng reaksyon sa pagtawag sa kanya ni Tulfo na madaldal at mahilig lang sa publicity, ang tanging nasabi lang ni Topacio ay “ kailangan pa ba ‘yun? Sabi ng nanay ko ‘wag pumatol sa ulyanin eh.’

Ngunit hindi na rin naipreno ni Topacio ang kanyang bibig at sinabi na dahil sa pagiging ulyanin ay maaring nakalimutan na ng pinakamatanda sa magkakapatid na Tulfo na minsan na niya itong naging kliyente.

“Sometime in the year 2000 or 1999, he was my client together with Raffy Tulfo. So why would he hire me if I were all talk, di ba?” dagdag pa ni Topacio.

Ibinunyag pa nito na dalawang linggo pa lang ang nakakalipas nang makasalubong nila ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa Hong Kong ay niyakap pa sila ni Tulfo.

Dagdag nito, sinabihan pa siya ng koluminista ng Philippine Daily Inquirer na tulungan siya sa pagtakbo sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon.

“Napakaplastik nitong si Tulfo eh. Two weeks ago nakita ko pa sa Hong Kong ito. Of all people naman napaka malas ko naman of all people to bump into in Hong Kong,” kuwento pa nito.

Itinanggi din nito ang banat sa kanya na siya lang ang nagsabi na isosoli na lang ni Ben Tulfo ang P60 milyon ibinayad sa kanya ng PTV 4 para sa placement ads ng Department of Tourism.

Iginiit nito na nakausap niya si resigned Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at Ben Tulfo bago niya inanunsiyo sa media ang pagsosoli ng P60 milyon.

Hindi naman na nagbigay pa ng pahayag si Topacio ukol sa awayan ng magkakapatid na Tulfo.

Sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer ngayon, sinabi ni Tulfo na ang isa pang malaking pagkakamali ng kanyang kapatid na si Wanda ay ang pagkuha kay Topacio bilang kanilang tagapagtanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?