289

Aug 23, 2019 @ 17:48
By

Mon Tulfo, Manila Times editors kinasuhan ng libel ng BIR

Kinasuhan ng patong-patong na libel ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Special Envoy for Public Diplomacy to China at columnist Ramon Tulfo dahil sa mga alegasyon umano nitong “false, reckless, and defamatory”.

Bukod kay Tulfo, kinasuhan din ni BIR chief Caesar Dulay ng tatlong kaso ng libelo at pitong kaso ng cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office si Manila Times President at CEO Dante F.M. Ang; mga editors na sina Rene Q. Bas, Blanca C. Mercado, Nerilyn A. Tenorio, Leena C. Chua, Arnold Belleza at Lynette O. Luna.

Pinagbabayad ni Dulay ang mga nabanggit ng P20 milyong danyos para sa moral damages na aniya’y kanyang ido-donate sa L’Arche (Ang Arko ng Pilipinas, Inc.), isang komunidad na nag-aalaga sa mga “mentally-handicapped” na mga kabataan.

Maliban sa paglathala sa mga diyaryo, isinapubliko pa umano ng Manila Times ang kolum ni Tulfo sa website nito at pati na rin sa kanilang social media accounts, kasama na ang Facebook.

Nagpatawag naman ng corruption probe si Tulfo sa pangatlong kolum nito noong Agosto 20 laban kay Dulay ukol sa nakompromisong P65 milyong bayad umano ng Del Monte na dapat ay “huge delinquent tax” na nagkakahalaga ng P8.7 bilyon.

Nakasaad sa inihaing reklamo ni Dulay ang: “The aforementioned defamatory imputation has caused me enormous physical suffering, mental anguish, fright, serious anxiety, besmirched reputation, wounded feelings, moral shock and social humiliation.”

Kaugnay nito, nagpadala naman ng sulat si BIR executive Teresita Angeles sa Manila Times at mariing itinanggi na siya ang babaeng nasa video recording.

“I am deeply saddened, shocked and quite angered that you allowed such articles to be published at all. It is outrightly false, malicious, illegal and damaging to my reputation,” nakasaad sa liham ni Angeles na ipinadala sa Manila Times.

Bago nito, nauna nang naghain ng tatlong libel complaint si Executive Secretary Salvador Medialdea laban kay Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?