2,200
tulfo2

Mon Tulfo dinipensa si Wanda; winakwak si Ben sa P60M ad deal

Sharing is caring!

Binasag na ni Ramon “Mon” Tulfo ang kanyang katahimikan kaugnay ng kontroberisyal na government TV ad deal na kinasasangkutan ng kanyang mga kapatid na sina dating Tourism secretary Wanda Teo at broadcaster na si Ben Tulfo.

Sa kanyang column sa “On Target” sa Philippine Daily Inquirer, idinipensa ni Ramon (panganay sa 10 magkakapatid) si Wanda subalit kinastigo naman ang kanyang kapatid na si Ben.

“Ben, who suffers from the ‘middle child’ syndrome — he’s the fifth child after me, Wanda is the fourth — should have known better than to touch the multi-million peso advertising contract with PTV 4 since that would constitute conflict of interest on his sister’s part,” sabi ni Ramon.

Ang tinutukoy nito ay ang P60 million halaga ng ads Department of Tourism PTV-4 kung saan blocktimer si Ben, ang may-ari ng Bitag Multimedia Network.

“She was clueless that Ben would get the lion’s share, so to speak, of the P60 million advertising contract,” sambit pa ni Ramon, patungkol kay Wanda na nagbitiw sa DOT sa gitna ng kontrobersiya.

Subalit iginiit diumano ni Ben sa kanya na wala siyang ginagawa mali.

“No amount of pleading from me when the uproar broke out could persuade Ben to admit it was his fault and not Wanda’s,” sabi pa ng nakatatandang Tulfo.

Sinabihan pa umano siya ni Ben ng, “”F**k you! Don’t treat me like a child.”

Inilarawan pa nito si Ben na “the renegade among us, the black sheep.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?