18

By

Mon Confiado sobra ang papuri kay Paulo Avelino

Sharing is caring!

Ipinahayag ng veteran actor na si Mon Confiado na bilib siya kay Paulo Avelino, bida sa kanilang pelikulang ‘Goyo: Ang Batang Heneral’.

Si Mon ang gumaganap dito bilang si Heneral Emilio Aguinaldo.

Showing na ngayon ang pelikulang ito na nakakuha ng Graded-A sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Ano ang masasabi niya kay Paulo sa portrayal nito bilang Goyo?

Wika ni Mon, “Magaling si Paulo sa pelikulang ito. Noon ko pa sinasabi, bagay siya sa papel na Goyo!”

Dahil sa movie na ito, mas mamahalin ba si Paulo ng moviegoers? “Yes! Sure ako na mamahalin siya ng manonood,” pakli ni Mon.

Pahabol pa niya?” “Pero marami rin ang magtatanong, hero ba talaga si Goyo o tagasunod lang?

“Dito, ang mag-iiba lang ay ang point of view. Kasi sa Heneral Luna, makikita ang point of view ni Antonio Luna towards Aguinaldo na salungat siya sa mga desisyon ng Presidente. Samantalang sa Goyo, ay POV ni Gregorio na idolo at prinoprotektahan niya.

“Pero sa Luna, kung magkakampi sina Mabini at Aguinaldo, dito sa Goyo ay may conflict na sila.”

Sinong artista rito, bukod sa kanila ni Paulo ang dapat abangan ang performance dahil nagpakita ng kakaibang galing?

“Para sa akin aabangan ko ang performance nina Art Acuña, Epi Quizon, Rafa Siguion-Reyna, Alvin Anson, Gwen Zamora, Ronnie Lazaro at ang buong ensemble cast!”

Bakit kailangang panoorin ng mag Filipino ang Goyo?

Esplika ni Mon, “Kailangan panoorin ng Filipino ang Goyo, katulad ng tagline ng Goyo, ‘Tandaan Mo Kung Sino Ka!’

“Kailangan natin malaman kung sino ba tayo o saan tayo nagmula? Ano ba ang ating kultura at istorya. Saan ba may mali o pagkukulang ang rebolusyon? Ano ba talaga ang pagiging bayani? Sino ba ang mga bayani na ito? At ano ang nagawa nila para sa ating bayan?” Litanya pa ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?