63

Oct 8, 2021 @ 13:49
By

Momshie Karla Estrada third nominee ng Tingog party-list

Ang actress-singer na si Karla Estrada ang ikatlong nominee ng Tingog party-list na pinamumunuan ni Rep. Yedda Marie Romualdez, chairperson ng House Committee on the Welfare of Children.

Sina Estrada, Tingog second nominee Jude Acidre at party secretary general Luningning Lariosa ang naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng partido sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Si Estrada ang ‘momshie’ ng aktor at recording artist na si Daniel Padilla.

Ang fourth nominee ng party-list ay si Jaime Go, isang negosyante at civic leader sa Tacloban City at ang fifth nominee ay si Alexis Yu, pharmacist, entrepreneur at community leader sa Basey, Samar.

Umaasa ang Tingog na magagawa nito ang kahulugan ng kanilang pangalan—ang salitang bisaya ng boses, at magsilbing boses ng mga marginalized sa Kongreso.

Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang 59 sa mga inihaing panukala ng Tingog at 21 dito ang naisabatas.

Kabilang dito ang pagdagdag ng bed capacity ng Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City, Leyte (Republic Act 11567), at Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center sa Palo, Leyte (RA 11566), at ang Alternative Learning System Act (RA 11510) upang matulungang makapagtapos ng pag-aaral ang mga out-of-school youth na hindi napapasok sa formal education system. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?