27

By

Mommy Fille Cainglet balik sa paluan

Sharing is caring!

Magbabalik si dating Ateneo Lady Eagle Fille Cainglet-Cayetano sa loob ng volleyball court.

Ayon kay Alan Acero, regional sales manager ng Rebisco, maglalaro si Cainglet Cayetano para sa Creamline Cool Smashers sa darating na 2018 PVL Open Conference.

“Momathlete in the house! Welcome, Fille, to the Creamline family,” tweet ni Acero.

Huling naglaro si Cayetano noong 2017 PVL Open Conference para sa Pocari kung saan naiuwi nila ang tansong medalya.

Makasasama ni Cayetano ang kanyang dating kakampi sa Ateneo na si Alyssa Valdez, Jia Morado, Michelle Gumabao at Melissa Gohing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?