189
sarah-geronimo
By

Mommy Divine, sinisi sa paghagulgol ni Sarah sa Las Vegas concert

Sharing is caring!

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagiging emotional ni Sarah Geronimo sa kanyang Cannery Casino The Club concert sa Las Vegas, Nevada noong April 29.

Nag-breakdown, umiyak daw kasi si Sarah, at inaming matindi ang pressure sa kanya ng tinatamasang tagumpay ng kanyang career.

Na-upload sa YouTube ang video ng pagiging emotional ni Sarah sa kanyang This 15 Me US Tour show sa Las Vegas at sari-sari na ang naging reaction tungkol doon.

May lumabas pa na nag-walk out daw siya pagkatapos niyang sabihin ang mga emote niya.

Part nga ng dialogue ni Sarah ay, “I’ve been asking myself bakit I feel empty…”

Sinabi pa ni Sarah na, “‘Yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka, mahirap po!”

Sari-sari nga ang naging reaction ng mga fan sa pangyayaring ‘yon. May iba pang nagtanong kaagad kung nagkaroon ba ng problema si Sarah sa kanyang parents na sina Delfin at Divine Geronimo na kasama niya sa kanyang US concert tour kaya ganoon siya ka-emotional?

Kahapon, exclusive na nakapanayam ko si Vic Perez, ang consultant ng International Concert Management (ICM) na siyang promoter ng This 15 Me US Concert Tour ni Sarah.

According to Vic, walang katotohanan na nag-walkout sa kanilang Las Vegas show si Sarah.

“She will not do that. Very professio­nal si Sarah. Napakabait na bata niyan!” sabi ni Vic.

Totoo raw na naging emotional si Sarah, pero ang kuwento ni Vic ay, “Siguro dahil physically exhausted na rin siya, ‘tapos naging emotional na nga. Dahil na rin siguro sa pagod.

“Hindi ba ilang araw lang nakapagpa­hinga si Sarah bago umalis papuntang L.A. (Los Angeles) noong April 19. Eh, the day before, ‘di ba um-attend pa siya sa kasal ni Rachelle Ann Go sa Boracay?

“Then sunud-sunod na nga ‘yung shows niya rito sa US. May promotions pa kaming ginagawa. Eh, si Sarah, lahat ng schedules dito, ginagawa talaga. Walang kaarte-arte. Pa-picture kapag may nagre-request. Walang tinatanggihan.

“Siguro sobrang pagod na rin, kaya ganoon,” sabi pa ni Vic.

Bago raw ang Las Vegas show ay nagkaroon pa sila ng show sa Pittsburg, California at pagod din daw si Sarah doon.

“Then after that show, 4:00AM pa lang, nag-fly na sila pa-Las Vegas, ‘tapos show na kaagad noong Sunday, so, halos wala rin naman siyang pahinga. Kahit naman kasi kasama sina Mark Bautista at Sam Concepcion sa show, halos si Sarah ‘yung kumakanta, nag-i-spill, sumasayaw.

“Sobra ‘yung energy niya para sa show. Pagod din. Kaya siguro nagkaganoon.

“Pero ang mapupuri mo kay Sarah, hindi siya nagrereklamo. Nakikisama siya!” sabi pa ni Vic.

Natawa na lang si Vic sa duda ng iba na baka nagkaroon ng problema si Sarah sa kanyang parents.

“Wala naman akong narinig. Okey naman ang lahat. Walang ganoon, so sana walang mga ganyang intriga,” sabi pa ni Vic.

As you read this, papunta na raw ng New York ang group nila (baka dumating na nga sila roon) dahil may sponsors night sila ngayon (Wednesday) at pupunta naman sila ng Chicago ng Thursday para sa sponsors night doon at Friday na ang show nila sa Copernicus Center kaya pagod daw talaga si Sarah.

“Then from Chicago, babalik naman kami ng New York on Saturday, pero may pahinga naman dahil Sunday pa naman ang New York show. Eh, si Sarah kasi, gusto niya, kahit napapagod, talagang ‘yung best pa rin ang ibigay niya sa lahat ng shows niya, so hindi rin masisisi si Sarah kung maging emotional.

“Pero ‘yon ang alam namin, wala ka­ming naririnig na may problema o kung anuman,” sabi pa ni Vic.

Sa May 7 na nga pala ang alis ni Sarah ng New York pabalik ng bansa at tiyak, sasaya na naman siya dahil muli niyang makakapiling ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?