4,794

Mar 3, 2020 @ 20:37
By

Mommy Divine pina-ban sa subdivision sina Matteo, Sarah

Hindi pa natatapos ang iringan sa pagitan nina Mommy Divine at mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon sa source ng Abante, ang latest chika umano ay pinapaharangan sa mga guard sina Matteo at Sarah sakaling pumasok ito sa St. Charbel subdivision kung saan nakatira sina Mommy Divine.

Tila hindi pa handang patawarin ng ina ni Sarah ang dalawa matapos ilihim sa kanya ang kasal na nauwi sa pagsugod niya sa venue.

Ngunit mukhang hindi ito alintana ng bagong kasal, lumabas na publicly ang dalawa at noon nga’y nakita pa ni Dra. Vicky Belo na namimili ng mga kitchenware na posibleng confirmation na nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong.

Hatid-sundo rin ni Matteo si Sarah ngayon, talagang makikitang nasa honeymoon stage pa sila na sobra ang sweetness sa isa’t isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?