127,859

Feb 21, 2020 @ 18:37
By

Mommy Divine mukhang pera, hadlang sa pag-iibigan nina Sarah, Matteo

Mukhang pera ang tingin ng mga netizen sa ina ni Sarah Geronimo matapos umano nitong tangkaing pigilan ang kasal ng anak kay Matteo Guidicelli hangga’t walang prenuptial agreement.

Sabi pa ilang netizen, hindi lang basta prenup ang gusto ni Mommy Divine kundi ang mailipat muna sa kanila ang lahat ng ari-arian ni Sarah bago ito magpakasal kay Matteo.

Hinaharangan din daw ni Mommy Divine ang wedding preparation dahil tutol siya rito.

Noong Huwebes, Pebrero 20 nahaluan ng aksyon ang dapat sana’y romantic na kasal nina Sarah at Matteo nang sapakin umano ng huli ang close-in security ng una.

Ito raw kasi ang nagsumbong kay Mommy D ng tungkol sa lihim na pagpapakasal ng dalawa.

Kaya ang ending, si Mommy Divine ang lumabas na kontrabida dahil kahit hindi ito imbitado sa kasal ng anak dahil kontra siya, sumugod ito roon.

Sabi sa mga ulat, hindi rin nagtagumpay si Mommy Divine dahil natuloy ang civil wedding ng AshMatt na ginanap sa isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Feb. 20.

Sa kabila nito, may iba pa ring nainis sa ginawa ni Mommy D at kinuwestiyon kung bakit ayaw pa nitong pabayaang lumigaya ang anak.

Sabi pa ng mga netizen, dapat palayain na ni Mommy Divine si Sarah dahil 31-anyos na ito at naiahon na rin naman sila sa hirap.

Binuska tuloy nilang “Divine Intervention” ang nangyari dahil sa takot ng ina ni Sarah na mawalan ito ng “gatasan”.

“Takot si Mommy Divine mawalan ng pagkakakitaan. Pag nag asawa si Sarah wala na siyang milyones,” sambit naman ni @MissACastillo_.

“Ang kapal naman ng mukha nakakahiya na talaga si Mommy Divine mukhang pera na,” sabi ni @CLOYfever.

“This Sarah G, Matteo, Mommy Divine issue is making me feel sad. I remember Heart and Chiz’ wedding. Hindi din dumalo parents ni Heart kasi ayaw din nila kay Chiz, but look at Heart, she’s very happy right now with her husband,” ani @cahucomjd.

“Sarah G keeping her wedding from Mommy Divine just proves how controlling she is especially at her age. Thirty fucking one everybody!!!” comment ni @Iinscoresby.

“Save your rants Mommy Divine I’m #AshMatt on this one, Sarah is really a good role model to us, she will always be. And matteo is her husband now. Let sarah live her fairytale s mahal ka nang anak mo, bigay mo na to sa kanya,” payo naman ni @louhontas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?