72

Nov 23, 2019 @ 16:34
By

Molina, Soltones bobomba sa NCAA All-Star Game

Susuotin muli ng National team standout na sina Ces Molina at three-time NCAA MVP Gretchel Soltones ang kanilang collegiate uniform sa pagsabak sa NCAA All-Star Game na gaganapin sa Martes sa MOA Arena.

Bitbit ng Petron outside hitter na si Molina at PLDT open spiker Soltones ang bandera ng Team Saints kasama sina Cesca Racraquin, Kim Manzano ng San Beda at sina Jewlle Bermillo at Kamille Amaka mula sa San Sebastian.

Kukumpleto naman sa kanilang listahan sina Klarrisa Abriam, Jewel Lai at ang Sta. Lucia middle blocker na si Rachel Austero; Choco Mucho open spiker na si Cindy Imbo at Jenny Gaviola, Shyra Umandal ng Perpetual; Julienne Castro at Chamberlaine Cunada ng Letran; at Miracle Mendoza mula sa BaliPure.

Kanila namang makakatapat ang Team Heroes na papangunahan ng PetroGazz spiker Jovy Prado kasama ang kanyang dating kakampi na si Regine Arocha at ang setter na si Sarah Verutiao.

Aagapay rin sina former MVP Shola Alvarez na naglalaro na para sa PLDT at sina Dolly Versoza at Mary May Ruiz mula sa JRU.

Kabilang rin sina Cherilyn Sindayen ng BanKo Perlas at sina Bien Juanillo at Alexa Rafel ng Lyceum; BaliPure spiker Kat Racelis at Lorraine Barias at Jonina Fernandez ng Mapua Katherine Almazan, Kristine Magallanes ng EAC kasama ang Choco Mucho bet na si Arianne Agustia.

Simula ang bakbakan sa alas-12 ng tanghali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?