14

Feb 17, 2021 @ 23:31
By

Molina handang mag-PH quintet

Handang maglaro sa tamang panahon ni Women’s National Basketball Association (WNBA)-bound Chanelle Molina para sa Philippine women’s basketball team (Gilas Pilipinas women).

Kakalagda lang sa buwang ito ng 5-foot-8 Fil-Am guard sa 2012 WNBA champions Indiana Fever training camp contract mula sa impresibong paglalaro sa Sweden pro league tapos isnabin sa 24th WNBA Draft 2020 noong Marso sa Estados Unidos.

“I get asked this question a lot, you know if I will ever play for the Philippines. When the time’s right I feel like I want to represent the country, my country,” pahayag ni Molina sa Instagram Live interview ng FilAm Nation Select sa kaagahan ng linggong ito.

Buhat ang dalagang basketbolistang Fil-Am sa Hawaii at anak ng mag-asawang mga tubong Ilocos. Produkto siya ng US National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school – Washington State University Cougars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?