24

Mar 7, 2020 @ 15:44
By

Molde nakatsamba kontra UE

Hinagupit ni Issa Molde ng UP Lady Maroons ang UE Lady Warriors, 25-23, 25-20, 18-25, 25-17, sa eliminasyon ng UAAP Season 82 women’s volleyball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

Bumalikat ng game-high 24 points si Molde mula sa 18 spikes, 4 blocks at 2 service aces.

“Tsamba lang ‘yun,” kwento ni Isa sa panayam ng Abante/Abante Tonite.

“Lahat kami gumalaw nun hindi lang ako. Lahat nag-connect lang siguro. May depensa, may set, so siguro ako lang talaga ‘yung naka-points nung time na ‘yun.”

Kasangga ni Molde sa opensiba sa Motolite na si Tots Carlos sa sariling 15 markers para ibigay sa Lady Maroons ang 1-1 kartada.

Toka naman sa floor defense si Justine Dorog sa dinambang 21 excellent digs para sa Diliman-based squad.

“We are happy for the win,” pahayag ni UP Fighting Maroon head coach Godrey Okumu. “My player fought and it’s a good thing. I am really happy for the win.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?