31
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
Sep 17, 2019 @ 17:43
By

Molde, Carlos pipigilan si Palomata, Air Force

Mga laro Miyerkoles/Setyembre 18: (FilOil Flying V Centre)

2:00pm — Pacific Town vs Chef’s Classic

4:00pm — Creamline vs BaliPure

6:00pm — Motolite vs Air Force

Asahan ang dikdikang paluan sa huling laro sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa pagitan ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers kontra Motolite Power Builders alas-6 ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Ihahataw ulit ni Dell Palomata ang Motolite matapos walisin sa 3-0 set ang Pacific Town Army nang gumawa ito ng game-high 20 points mula sa kinolektang 17 attacks at 3 blocks.

Sandata naman ng Motolite ang UP tandem nina Isa Molde at Tots Carlos nang kargahin sa panalo ang Power Builders kontra Choco Mucho Flying Titans nitong nakaraang Linggo.

Sa pangalawang laro, ipagpapatuloy ni Jia Morado ng Creamline ang kanyang husay sa pages-set ng bola sa kanilang sagupaan kontra BaliPure Purest Water Defenders.

Hataw naman para sa unang laro ng triple header ang Pacific Town Army kontra winless team Chef’s Classic ganap na alas-dos ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?