27

By ,

Molde, Buitre kaldagan laban kina Malabanan, Ebon

Sharing is caring!

Maghaharap sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference Season 2 ang Far Eastern University Lady Tamaraws at ang University of the Philippines Lady Maroons.

Unang nakasikwat ng finals seat ang Lady Maroons matapos nitong talunin sa do-or-die semifinals series ang Adamson Lady Falcons noong Linggo, 25-19, 29-27, 20-25, 25-17, para sa unang pagkakataon na makatungtong sa finals ng liga.

Naging sandata nila ang mga beterano na sina Isa Molde na kumubra ng 27 puntos at Marian Buitre na may 19 puntos.

Sa kabilang panig naman, balik-finals ang mga taga-Morayta nang pabagsakin ang determinadong University of Santo Tomas Tigresses sa Game 3 ng kanilang semifinals series, 19-25, 25-18, 25-22, 25-17, nito ring Linggo.

Si Jerilli Malabanan naman ang naging alas ng FEU na may 13 puntos at si Lycha Ebon na may 12.

Noong 2014 pa huling nasikwat ng Lady Tamaraws ang kampeonato sa liga.

Sa susunod na Linggo magsisimula ang best-of-three finals ng dalawang tropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?