32

By

Mojack recording artist na rin ng Lodi Records

Sharing is caring!

Nasa Bicol ngayon ang singer/comedian na si Mojack upang i-promote ang single niyang ‘Katuga’.

Si Mojack ay bahagi na rin ng Lodi Records at ang Katuga ang unang single niya para rito.

“Ngayon po ay nandito ako sa SM City Naga promoting po ng aking single/album na ‘Katuga’ under Lodi Records, sub-label siya ABS-CBN Star Music at mag- iikot po ako sa mga radio stations dito,” wika niya nang makapanayam namin last Thursday.

Dagdag pa niya, “Sa ngayon po ay puspusan na rin ang rehearsal namin ng aking grupong banda, ang Indi Pen de Mojack.

“Sobrang masaya po ako nang malaman ko na isa na ako sa Lodi artist sa tulong ng ating magaling na singer, rapper, composer na si Blanktape. Nang iharap niya ako sa mga big boss ng Lodi Records ay nagustuhan nila ang aking estilo sa pagkanta.”

Paano niya ide-describe ang kantang Katuga?

“Iyong single ko pong Katuga, ito po ay hango sa mga taong umaasa sa magulang, kapatid, o sinong kapamilya nila na wala pong ginawa kundi humingi ng pera, sila yung mahilig sa KAin, TUlog, at GAla, kaya’t naging KATUGA po ang pamagat nito.

“Salamat din sa isang kaibigan na ipinamana niya sa akin ang kanyang kanta, ‘di ko na lang po sasabihin kung sino po siya dahil siya po ay nasa langit na.”

Fast song ba ang Katuga?

Tugon ni Mojack, “Opo, ito po ay danceable na puwede pong sayawin gaya ng zumba, ito po ay reggae-novelty… Natutuwa nga ako sa isang DJ News anchor ng isang radio station (Big Sound FM) dahil bukod sa pinatutugtog niya ay ginawa pa niyang background music niya ang Katuga, habang pinagsasabihan niya on air ang mga tatamad-tamad na sambayanan.

“So, nakakataba po talaga ng puso kaya nagpapasalamat din po ako sa todong suporta ni sir Weng dela Pena at salamat din po pala sa kapamilya ko rati, ang Brigada News FM National at nakapasok na rin po sa playlist nila ang aking awitin. Specially sa Batangas, salamat po Mam Leo and Sir Angel ng Brigada.

“Salamat din po sa Castar Production Talent Management for guesting me sa One Dream Fashion show, kay Mr. and Mrs. Corbito, thanks po,” saad pa ni Mojack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?