273

Dec 29, 2017 @ 19:05

Modus sa online shopping, ibinabala ng consumer group

Nagbabala ang isang consumer group sa pagbili ng mga produkto o serbisyo sa internet na popular ngayon dahil sa ginhawang hatid nito sa mamimili na hindi na kailangan pang pumila at makipagsiksikan sa iba pang kostumer.

Pinayuhan ni Laban Konsyumer’s Vic Dimagiba na mag-ingat sa pagbili online at iginiit na tiyakin muna kung awtorisado sa Department of Trade and Industry (DTI) ang isang online store at huwag basta magpasilaw sa mga discounts at promosyon.

“In terms of promotion, check if it has approval of the Department of Trade and Industry or approval of government agencies that grants permits for promotions,” ani Dimagiba sa UNTV.

Ayon naman sa financial at business consultant na si Roselle Reig, may paraan para malaman ang legalidad ng isang website na nagbebenta ng produkto at serbisyo.

Kung may ‘https’ sa taas ng website na pinuntahan at may lock, siguradong secured umano ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?