Nagngitngit ang mga netizen sa isang learning module dahil sa pagtawag kay Angel Locsin na ‘obese’ o sobra ang timbang.
Sa naturang module, sinabi na, “Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she is always watching television and does not have any physical activities.”
Ang naturang pahayag ay makikita sa subject na PE and Health, at base sa nag-viral na larawan ay mula umano ito sa School Division ng Department of Education (DepEd) sa Occidental Mindoro.
Dahil dito’y maraming netizen ang nabastusan sa pag-fat shame sa aktres.
Talaga ba @DepEd_PH? Approved niyo ito? Ganito na ba kayo kasahol? Ito ba ang edukasyon na kaya niyo ibigay? Ito na yun?!
Sana alam niyo yung kondisyon ni @143redangel. pic.twitter.com/3YsFv4Taee
— Jaecee Lim (@jaeceelim) November 13, 2020
Angel Locsin was used in an example of a DepEd Module and was described as "Obese Person". Let us all remember that we don't have any right to body shame someone. We are entitled of our own body. #NoToBodyShaming @143redangel
Please see origanal post https://t.co/xJFDSRtbyM pic.twitter.com/B7O2EvDI7Z
— ???? ?? (@PingBumaat) November 13, 2020
@DepEd_PH , do you really do your task to search why Angel gains weight? This is harsh. Kahit example lang. What if si Sec. Briones ay gawing example sa situation din? How will you feel?
— Rainier Sulit #MagparehistroAtBumoto (@sulitdale) November 13, 2020
Samantala, nag-deactivate na ng Facebook ang umano’y guro na gumawa ng module na si Keith Richard Firme.
Wala pang pahayag ang DepEd sa naturang isyu.