47

Dec 21, 2017 @ 13:16
By

Modernong PNP, asahan sa 2018 – Nograles

Dahil magiging armado na ng body cameras o body cams, makaaasa daw ang publiko sa moderno, transparent at credible na Philippine National Police (PNP) sa susunod na taon.

Ayon kay House appropriations committee chairman Karlo Alexei Nograles, layon ng hakbang na ito na makasabay ang PNP sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa paglutas sa mga krimen.

“This is a big step toward modernizing our police force, and we are investing big money in it,” ani Nograles.

Sa ilalim ng 2018 budget, pinaglaanan ng P334 million na pondo ang pagbili ng body cams.

“This is more than 200 percent increase from its initial funding of P100 million,” sabi ng kongresista.

Tugon rin aniya ito ng Kongreso sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya na maging transparent sa giyera kontra iligal na droga at kriminalidad.

Naniniwala si Nograles na malaking bagay ang body cams sa pangangalap ng ebidensya, documentation at post-operation assessment ng PNP para mapabilis ang kanilang trabaho. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?