65

Dec 16, 2019 @ 21:46
By

Modernong jeepney bibiyahe na sa Metro Manila

Aarangkada na sa Metro Manila ang mga environment-friendly na jeepney.

Ito’y matapos ianunsiyo ng isang transport group ang plano nitong ibiyahe ang may 500 modernong jeepney na Euro 6-compliant sa unang bahagi ng 2020.

Ani Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas, hinihikayat nila ang kanilang mga miyembro at iba pang transport group na i-avail ang unang Euro 6-compliant public utility vehicles sa bansa.

Aniya, bukod sa matipid sa gasolina, walang polusyon itong binubuga.

“Una, matipid ka sa krudo, matipid ka sa gasolina. Pangalawa, wala kang pollution na binubuga, so wala kang binibili na gamot,” ani Marquez.

Plano aniyang simulan ang pagbiyahe ng mga bagong PUV sa Quezon City kabilang ang Timog Avenue, West Avenue, North Avenue at East Avenue sa ikalawang linggo ng Enero 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?