21

By

Modernong computer system, isusulong vs katiwalian sa BOC

Sharing is caring!

Isusulong ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na gawing automated ang buong proseso na pinagdaraanan ng mga angkat na kargamento.

Isa ito sa nakikitang paraan ni Lapeña para mabawasan ang tinatawag na human intervention at matugunan ang problema ng katiwalian sa ahensiya.

Sinabi ni Lapeña na maisasakatuparan ang plano na gawing moderno ang BOC computer system sa oras na makuha na ng Pilipinas ang $200 milyon na utang mula sa World Bank (WB).

Nauna nang sinabi ng WB na ipinoproseso na ang ipauutang na $200 milyon sa BOC para sa modernisasyon ng computer system ng ahensiya at sa pagpapatayo ng Customs Academy.

“It will be a computer system that will be at par with other countries, not only in ASEAN but also with the World Customs Organizations,” saad ni Lapeña.

Gayunman, hindi pa umano tiyak kung ang negosasyon para sa pautang na magsisimula pa lamang ay sa pagitan ng BOC at WB, o sa pagitan ng Department of Finance at WB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?