82

Jan 3, 2018 @ 13:06

Modernisasyon sa mga lumang truck at bus pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng pamahalaan na isailalim sa modernization program ang mga lumang truck at bus.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, delivery at iba pang serbisyo na ginagamitan ng mga sasakyan na ito.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Thomas Orbos, kasalukuyan nang nagkakaroon ng pag-uusap ang ahensiya at mga truck owner at operators ng mga bus higgil sa programa.

Aniya, hindi lang edad ng truck at bus ang pagbabasehan kundi maging ang kapasidad nito na makabiyahe nang ligtas.

Tiniyak naman ni Orbos na dadaanin sa maayos na proseso ang naturang programa sa mga lumang bus at truck.

Matatandaang ng nakaraang taon umani ng pagtuligsa sa grupong PISTON ang planong modernisasyon ng gobyerno sa mga jeepney dahil bukod umano sa panganib ng lumang jeep ay nakakasira rin sa kalikasan ang usok na binubuga nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?