2,850

By

Modelo pagmumultahin dahil sa ‘offensive’ na damit

Posibleng maharap sa legal prosecution ang Vietnamese model na si Ngoc Trinh dahil sa suot nito sa red carpet ng Cannes Film Festival.

Suot ng modelo ang isang backless na damit na may black thong bodysuit at halter-neck top kung saan may manipis na itim na palda sa unahan at likuran.

Ayon kay Vietnam Minister of Culture, Sports and Tourism Nguyen Ngoc Thien, ‘improper’, ‘offensive’ at nagdulot ng public outrage ang sinuot niyang damit.

Samantala, sa report ng Mirror, sinabi ng modelo na wala siyang pakialam sa mga pumuna sa kanya dahil naramdaman niya na maganda siya sa kanyang suot.

Dagdag pa niya hindi niya kayang pasayahin ang buong mundo.

Aniya, “I cannot satisfy the whole world.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?