gracie

Model na si Gracie, ipinagmalaki ang ama na si Lou Diamond

Sharing is caring!

Mas gusto ni Gracie Phillips na makilala siya higit sa dinadala niyang apelyido.

Nang nag-uumpisa pa lang siya sa modeling, kinasabwat nito ang casting agents na huwag sabihin na tatay niya si Lou Diamond Phillips.

Nakilala ang Golden Globe-nominated Filipino-American actor na si Lou Diamond sa starring role nito sa “La Bamba”.

“I heard positive and negative things about celebrity kids in the [modeling] industry,” ani Gracie, na nakabase sa Simi Valley, California.

“People would say she only did this because of her famous parents . . . I wanted people to take a look at me for me and not for my last name,” dagdag pa niya.

At natupad ang kanyang misyon.

Pumirma na si Gracie sa Wilhelmina Models noong 2016 at tuloy-tuloy na ang kanyang trabaho mula noon.

Matapos nito proud nang sinabi ni Gracie ang hinggil sa kanyang pamilya pati na ang pagiging anak nito ni Lou Diamond.

Kuwento pa nito, sa edad na 6, napanood niya ang “La Bamba” at nalungkot siya nang makitang namatay ang rock ‘n roll legend na si Ritchie Valens, na ginampanan ng kanyang ama, dahil sa pagbagsak ng eroplano.

Buong akala umano niya na totoong ang tatay niya ang namatay noon dahil sa pagiging inosente pa niya sa acting dala na rin ng pagiging bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?