34

Oct 5, 2021 @ 0:03
By

Mocon talo ng nobya

Dahil puwede nang magbukas ang mga fitness gym sa Metro Manila, hindi nagpahuli ang Rain or Shine player na si Javee Mocon.

Nagpunta agad ang three-year Philippine Basketball Association veteran sa gym kasama ang nobyang si Maica Palo.

Ibinida ng 26-year-old, 6-foot-3 forward mula sa Pampanga ang workout nila sa kanyang social media account Lunes.

Makikita sa video ang sabay nilang pagpa-plank. Aminado ang cager na hindi siya uubra sa nobya pagdating doon.

“Lakas mag-plank love @maicapalo hahaha ‘di pa ako nananalo,” sambit ni Mocon na prudukto ng San Beda Red Lions.

Sinagot naman ito ni Palo at sinabing mas malakas pa rin aniya ang kasintahan.

Ibinahagi rin niya ang kanilang larawan matapos ang workout session.

“Smashing our Monday! @maicapalo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?