21

By

Mocon, Bolick sinakmal ang twice-to-beat para sa Lions

Sharing is caring!

Standings            W      L

San Beda            15     1

Lyceum               15     2

Letran                 12     4

Perpetual            11     5

St. Benilde          8       8

Arellano              5       11

Mapua                 5       11

San Sebastian     4       12

EAC                      4       13

JRU                      2       14

Mga laro bukas

(FilOil Flying V Centre)

12:00 PM – UPHSD vs. CSJL

2:00 PM – MU vs. SSC-R

4:00 PM – EAC vs. JRU

Umararo patungong twice-to-beat advantage ng NCAA 94 ang San Beda University Red Lions nang lampasuhin nito ang Arellano University Chiefs, 90-52 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Umangat sa 15-1 ang win-loss record ng Red Lions habang ligwak naman sa 5-11 ang Arellano at eliminated na ito sa liga.

“Our goal for this game is to win this one and march ourselves to a twice to beat advantage. Again, we don’t really hold the future, we don’t know what could be a future is,” wika ni Beda coach Boyet Fernandez.

Hindi rin sigurado si Fernandez sa katayuan nila ngayon sa liga kaya lahat ng laro nila dito sa eliminations ay tinuturing nilang playoff para pagpasok ng semis at handa sila kung sino man ang kanilang haharapin.

Nanguna para sa Red Lions si Javee Mocon na may 24 puntos, 11 rebounds at isang assist katuwang si Robert Bolick na may 11 puntos at 11 rebounds.

Paghahandaan rin aniya nila ang muli nitong pagharap sa Lyceum Pirates at ituturing nila aniya ito bilang isang playoff game para mapaghandaan nila ang semifinals ng liga.

“Contradict of what they’re saying that is a preview of finals but remember Perpetual and Letran beat LPU. So, there other teams that worth to be in the finals,” dagdag nito.

Sinabi rin ni Mocon na hindi sila dapat maging kumpiyansa dahil tangan nila ang unang pwesto kaya mas pag-iigihan pa nila ang kanilang pagsasanay at sundin ang lahat ng game plan ni coach Boyet.

“‘Yun nga, mahirap maging complacent sa win na ‘to. Siguro it all starts in practice namin and then ‘yung vibe namin in the game. Dapat extra work pa and everything,” sabi ni Mocon. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?