By

Mocha walang balak tumakbo sa pagka-senador

Sharing is caring!

Ikinagulat ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha ang pagsama ng kanyang pangalan sa senatorial slate ng PDP-Laban para sa 2019 elections.

Subalit giit nito, wala siyang kabalak-balak na tumakbo sa pagka-senador sa susunod na halalan.

“Walang kahit anong political intention. Ang sinasabi po nila na inanunsyo raw po ni Speaker Alvarez na ako ay tatakbo bilang Senador, hindi ko po ito alam. Sa totoo lang po, ako ay nagulat sa announcement ni Speaker Alvarez, kung totoo man po na siya ay nag-announce,” sabi ni Uson sa kanyang text message sa mga reporters.

Pinabulaanan din nito na sumumpa siya bilang miyembro ng PDP-Laban.

“Matagal na po niya [Alvarez] ako iniimbitahan na tumakbo bilang senador at ang sagot ko po ay wala akong planong tumakbo sa senado dahil hindi naman ako politiko,” ani Uson.

Gayunpaman, sinabi ni Uson na kung tumakbo man siya sa pagka-senador, ito ay kung sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung tatakbo man po ako, ito po ay [dahil] si Pangulong Duterte na mismo ang nagpatakbo sa akin dahil ang akin lamang hangarin ay matulungan ang Duterte Administration to bring the change he promised during the election,” sambit pa ni Uson.

Nauna rito, inihayag ni PDP-:Laban secretary general at House Speaker Pantaleon Alvarez na kasama si Uspn sa kanilang senatorial ticket sa 2019 elections. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?