1,950

Nov 8, 2017 @ 18:41
By

Mocha Uson sinupalpal ng Malacañang Press Corps

Kinastigo ng Malacanang Press Corps ang kagustuhan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na alisin ang Rappler bilang miyembro ng organisasyon.

Sa ipinalabas na pahayag ng MPC, walang karapatan si Uson o kahit sinuman sa PCOO na magtanggal ng sinumang miyembro ng Press Corps dahil ang MPC ay isang independent at pribadong organisasyon at hindi saklaw ng PCOO ang superbisyon nito.

Noong Martes ay lumiham si Uson kay PCOO secretary Martin Andanar na i-reclassify bilang social media ang Rappler para mailagay sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, na isang malinaw na pagyurak sa karapatan ng malayang pamamahayag.

“The Malacañang Press Corps (MPC) is an independent organization of journalists from various news organizations assigned to regularly cover the Philippine President and Malacañang events.

The MPC and its affairs, governed by by-laws in accordance with the constitutional provision on press freedom, is not in any way under the control and supervision of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) or any government agency.

The MPC deplores any attempt to curtail press freedom and will continue to ensure a strong free press, keep public informed and the government in check,” ang pahayag ng MPC. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?