72

Jan 22, 2021 @ 15:47
By

Mocha Uson sa balitang buntis siya: Kulelat lang si Robredo sa survey kaya kayo nagpapakalat ng tsimis!

Pinabulaanan ni controversial blogger Mocha Uson ang balitang kumakalat na buntis umano siya at si Robin Padilla ang ama.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Uson ang isang video kung saan makikita siyang suot ang kanyang workout clothes at nagbubuhat ng barbel.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” saad niya sa caption ng kanyang post.

Sambit niya, paniguradong mga ‘bitter’ sa gobyerno ang nagpakalat ng naturang tsismis tungkol sa kanya at sa kapwa niya Duterte Die-hard Supporter na si Robin Padilla.

“Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” sambit niya.

“Lunch break! Workout na muna tayo!” dagdag pa niya.

Una nang pinabulaanan ni Mariel Padilla, misis ni Robin, ang balitang ito.

“So many people are sending me messages… ‘checking; on me. People are tagging me bla bla bla… let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip,” ani Mariel sa isang pahayag.

“Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?