mocha
By

Mocha Uson, may maikling mensahe kay Kris Aquino

Sharing is caring!

Nagpost ng short video clip sa kanyang Facebook page (Mocha Uson Blog) about an hour ago ang PCOO Assistant Secretary Mocha Uson bilang tugon niya sa post at live broadcast ng Queen of All Media na si Kris Aquino via her Instagram at Facebook pages kagabi while in Japan at bago bumalik ng Manila.

Ang video ni Uson ay nilagyan niya ng caption na: “My response to Ma’am Kris Aquino”

Sabi ng former sexy dancer/entertainer, “Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino.”

“This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglalagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang ng gawain ng ibang lider katulad ng tatay niya,” sambit pa ni ASec. Mocha.

“Kris Aquino this is not about you,” pagsasara niya sa 23-second video bilang sagot niya sa mahigit 17-minute live video ng former presidential daughter/sister.

Hindi tinugunan ni Uson ang hamon sa kanya ni Kris na isang debate o re-enactment or act out a scene mula sa “Four Sisters and A Wedding” ni Angel Locsin kung saan makikitang kinaladkad si Mocha ni Angel mula sa loob ng isang resto hanggang labas ng kalsada.

Wala ring namutawing pagso-sorry kay Mocha sa video kahit inihayag ni PDDR’s SA Bong Go, na diumano’y magso-sorry si Mocha kay Kris pagkatapos nilang kausapin ang controversial PCOO Assistant Secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?