753

Jul 28, 2018 @ 19:42
By

Mocha Uson gaganap na journalist sa pelikula tungkol sa droga

Inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na mapapabilang siya sa cast ng movie na “Kaibigan”.

Isa umano itong inspirational movie na tumatalakay sa importansya ng pamilya sa lipunan at lalo na sa buhay ng mga kabataan na napapariwara dahil sa masasamang bisyo katulad ng iligal na droga.

Bida rito ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Gagampanan ni Uson ang papel na reporter na maghahatid ng magandang balita sa komunidad.

Sabi pa ni Uson, hindi siya nagpabayad ng talent fee dahil alam niyang positibo ang mensahe ng pelikula sa mga Filipino.

Nakatakda umanong ipalabas ang pelikula sa Setyembre at ipapalabas din ito sa ibang bansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?