1,664

Apr 26, 2019 @ 17:27
By

Mocha tinawag na bobo si Ressa

Inakusahang bobo ni dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson si Rappler CEO Maria Ressa kaugnay sa naging pahayag hinggil sa kanyang mga kaso.

“Kaya ka natatawag na bobo eh @mariaressa,” tweet ni Mocha sa isang meme na nagtutuligsa kay Ressa.

Ang komento ni Mocha ay matapos sabihin ni Ressa na ang kasalanan lang niya ay ang pagiging mamamahayag.

“My only crime is to be a journalist,” sabi ni Ressa.

Sa meme post ni Mocha, inisa-isa nito ang mga kasong inihain kay Ressa kabilang na ang tax evasion, cyber libel at paglabag sa anti-dummy law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?