4,248
Mocha sa video scandal ni Jim Paredes: Ipokrito ka!
Apr 9, 2019 @ 18:34
By

Mocha sa video scandal ni Jim Paredes: Ipokrito ka!

Binanatan ni Mocha Uson si veteran singer Jim Paredes sa kumalat na video scandal nito at naging usap-usapan sa social media.

Sa kanyang blog tinawag ni Mocha na “ipokrito” si Paredes dahil ito mismo ang nagsabi noon na manyak at bastos si Pangulong Rodrigo Duterte na akala mo’y malinis umano ang singer.

Giit ni Mocha, ito umano ang dahilan kaya pinupuna ang video ni Paredes at hindi dahil sa mismong ginawa nito sa video.

“Sinasabi mo na si Pangulong Duterte ay manyak, bastos. Kung dumuro ka ng ibang tao akala mo malinis ang daliri mo. Akala mo wala kang kapintasan. Akala mo perpekto ka. Kaya ‘yan ang dahilan kung bakit pinupuna ‘yang video mo. Hindi dahil sa interesado kami diyan kundi dahil sa naipakita kung gaano ka ka-ipokrito,” ani Mocha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?