132

By

Mocha, Roque pasok sa senatorial slate ng PDP-Laban

Sharing is caring!

Inanunsyo ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa mga kandidato nito sa pagkasenador sa 2019 midterm elections sina Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang announcement ay ginawa ni PDP-Laban secretary general at House Speaker Pantaleon Alvarez sa mass oath taking ng mga lokal na kaalyadong kabilang sa One Cebu at mga nagtalunan mula sa Liberal Party.

Sa kanyang talumpati sa Plaza Independencia sa Cebu City, binanggit ni Alvarez ang pangalan nina Uson at Roque bilang karagdagan sa senatorial slate ng ruling party.

Inulit rin nito ang pangalan nina Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Bataan Rep. Geraldine Roman, at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ang apat ay nauna nang pinangalanan ni Senate President Aquilino Pimentel III noong nakaraang buwan kung saan kasama rin ang kanyang sarili bilang re-electionist at si House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Sa mga nabanggit na pangalan, si Fariñas lamang ang nagsabing hindi interesadong tumakbo sa pagka-senador. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?