100

Aug 23, 2018 @ 15:21
By

Mocha, ‘no show’ sa info drive meetings para sa pederalismo

Hindi sumisipot si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa inter-agency meetings para sa ilulunsad na information campaign patungkol sa pederalismo.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng paghahanda ng Palasyo para sa malawakang information campaign sa pederalismo.

Matatandaang marami ang nagalit kay Uson pati na ang mga nagbalangkas sa Charter change dahil sa “pepe-dede-ralismo” jingle nito kasama ang isang blogger.

Sinabi ni Roque na mayroong formal training para sa mga magpapaliwanag sa pederalismo at kung dadalo si Uson sa inter-agency meeting ay maaari itong maging bahagi ng magtataguyod sa information campaign.

Mayroon aniyang standard training para sa mga trainor dahil mahalagang maintindihang mabuti ng publiko ang hinggil sa pederalimo.

“She has not been attending the inter-agency meetings on the dissemination. There will be a formal training for trainors so if she attends, I suppose she can be one of the disseminators. But what is indispensable is we have standardized not only the materials to be used in the dissemination activity but we have also a standard training for the trainors,” ani Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?