2,130
ABANTE uson villanueva
Jan 24, 2018 @ 15:00

Mocha kay Villanueva: Kulang na lang sabihin n’yo na nandidiri kayo sa akin

Dismayado si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson sa naging pahayag ni Senador Joel Villanueva tungkol sa pagtanggap nito ng award mula sa University of Santo Tomas Alumni Association.

“Sen Joel Villanueva hinahangaan pa naman kita kasi anak ka ng isang ginagalang kong Pastor. Nakalimutan mo ata na ang ating Panginoong Hesus mismo ang kasama niya ay ang mga nagkamali sa lipunan o mga makasalanan,” pahayag ni Uson sa kanyang Facebook post.

Ang tinutukoy ni Uson ay si Eddie Villanueva, lider ng Christian group na Jesus is Lord Church Worldwide at ama ng senador.

Nauna nang sinabi ni Villanueva na kung siya ang tatanungina ay magdadalawang isip siya sa pagbigay ng award kay Uson.

Nalungkot naman si Uson sa pahayag na ito ng senador at sinabing, “Kulang nalang sabihin niyo na nandidiri kayo sa akin. ‘Wag kang mag-alala someday magkikita uli tayo…” ani Uson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?