134

Oct 4, 2017 @ 17:12

Mocha kay Trillanes: Guwapo mo pala in person

Nagtuksuhan kahapon ng tukso sina Senador Antonio Trillanes IV at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa pagdinig ng Senado tungkol sa fake news.

Nabatid na unang pagkikita sa personal nina Trillanes at Uson sa hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

“Hindi na sana ako dadalo e, kaso may nagsabi sa akin na gusto mo (Uson) raw ako makita,” pahayag ni Trillanes sa hearing.

Hirit naman ni Mocha, “Ang guwapo nyo po pala in person, Senator”.

Sa unang bahagi ng pagdinig, nagpasaring si Uson na nalulungkot siyang dumalo sa hearing nang wala si Trillanes.
Sa gitna naman ng pagdinig ay pinayuhan ni Trillanes si Uson na gamitin ang kanyang popularidad sa social media sa pagsusulong ng mga bagay na makatutulong sa bayan.

Nangako naman si Uson na susundin ang payo ni Trillanes.

“Kung ang pagsasayaw ko po ay naiwan ko, baka pwede rin ang blogging, para sa bayan,” saad ni Uson. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?