96

By

Mocha, hindi type ni Duterte na mag-senador

Sharing is caring!

May mga ilang opisyal na pinagpipilian si Pangulong Rodrigo Duterte para maging “personal choice” nito sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.

Sinabi ng Pangulo na may mga pamantayan siya para mag-endorso kung sakali para tumakbong senador sa 2019 elections .

Kabilang sa mga naiisip nito ay sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Undersecretary Berna Romulo Puyat.

Ayon sa Pangulo, pipiliin niya ang mga taong makakatulong sa pagbaba ng presyo ng pagkain at makakatulong sa mga Filipino sa kanilang pang-araw araw na buhay.

Pero tiyak aniya na mag-eendorso din ang kanilang partido sa Partido Demokratikong Pilipino – Laban kayat magkakaroon ng bigayan kung sino ang inomina.

“Kung sino yung makakatulong sa filipino na bababa yung presyo ng pagkain, at mayroon tayong supply na marami. Sino yung makakatulong sa kapwa niya tao and who has the best of the ideas, baka yun ang mga tao na kukunin ko or I might also nominate them,” ang pahayag ng Pangulo.

Kaugnay naman sa pag-endorso ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Presidential Communications Assistant secretary Mocha Uson, sinabi ng Pangulo na hayaan ang mga tao ang magpasya kung iboboto siya o hindi.

“Let the people decide. It’s not a one-man story or critique. Let the people decide. Kung ginusto nila yan, then that’s it. It will be honored by all, including the military and the police.
Pag yan ang pinili ng mga Pilipino, you might not like her; her ways might not suit your values. But if that guy or woman is elected by the people, then you have to honor that choice,” ang dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?