802

Sep 8, 2021 @ 17:56
By

Mocha bumuwelta kay Isko

Bumuwelta si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay matapos manawagan ang alkalde kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang mga government official na walang malasakit sa mga Pilipino.

“Namamatay ang tao, brad, nangangamatay ang tao. Ako nananawagan… gusto n’yo lumuhod pa ako. Nananawagan ako sa inyo Mr. President tanggalin ninyo ‘yung mga taong walang malasakit sa kapwa niya.

“Kaya ako Mr. President, nakikisuyo lang, we still have eight months. I don’t want to teach you what to do pero nakikiusap lang kami. Nakikiusap lang Mr. President na tanggalin mo na ‘yung talipandas na kawani ng pamahalaan. ‘Yung walang malasakit,” sambit ni Moreno.

Sumagot dito si Uson at sinabing: “Nagmamakaawa din ako sayo MAYOR ISKO ayusin niyo ang bakunahan sa Maynila. Ayusin niyo din ang mga lumalabag sa minimum health protocol diyan sa mga pamilihan sa inyong lugar. Maraming salamat po.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?