1,393

By

Mocha bet magpagamit ng vibrator sa dating grupo

Sharing is caring!

Inamin ng dating Mocha Girls member na si Jhane Santiaguel na naranasan ng mga miyembro ng grupong ito na pinamumunuan ni Mocha Uson ang paggamit ng vibrator.

Sa panayam namin kay Jhane sa podcast show ng Abante Tonite na Tambayan ng Tsika (TNT) kasama sina katotong Roldan Castro at Beth Gelena, natanong siya kung naranasan na rin ba niyang gumamit ng vibrator?

Pahayag ni Jhane, “Oo naman, naranasan ko na ring gumamit ng vibrator. Hahaha! Ang bilis ng sagot ko, hahaha!”

Inusisa rin namin si Jhane kung totoo ba na lahat ng Mocha Girls ay nasubukan ang vibrator? Ine-encourage daw sila ni Mocha dahil bawal ang magka-boyfriend kapag member ng Mocha Girls?

“Oo, yes, pero dati pa iyon. Medyo nakatulong naman dahil at least, hindi kami basta-basta mabubuntis. Hindi ba?” Diretsahang sagot pa ni Jhane.

Nabanggit din ni Jhane ang mga music video niya na kasama ang Ex-Batallion.

“Actually, bago iyong music video nila na Hayaan Mo Sila, nandoon na ako sa music video nilang Bootyful. Tapos niyon ay South Boys, tapos ay Mahirap Na. And then noong isang gabi lang, kasu-shoot lang namin, abangan po ninyo ito, ang title ay Ginalingan,” masayang saad niya.

Hindi ba siya niligawan ng mga taga-Ex Battalion?

Mabilis na reaction pa niya, “Ay hindi, walang ganoon, professional silang lahat. At saka ganoon din naman kami, walang halong personalan.

“Pero lahat sila ay mababait, okay kaming lahat sa shoot, walang landi, walang ano, masaya lang, happy lang, ganoon,” nakangiting wika pa ni Jhane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?