31

Dec 30, 2017 @ 10:58

Mobile number portability itinutulak ni Gatchalian

Nanawagan si Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian sa Malacañang na sertipikahan bilang ‘urgent’ ang legislative bill na magpapahintulot sa mobile phone users na makalipat sa ibang network providers na hindi na kailangan pang palitan ang dati nilang phone numbers.

Layon ni Gatchalian ang nationwide mobile number portability system na magbibigay ng kalayaan sa mga consumer na mamili at lumipat sa gusto nilang mobile network dahil sa mga konsiderasyon tulad ng presyo at kalidad ng serbisyo nito – mapa-postpaid man o prepaid – nang hindi na kailangan pang mapalitan ang kanilang mobile numbers.

“If it’s really the government’s priority to fix the telecommunications industry in the country, the President would need to certify this bill first,” ani Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?